๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜–๐˜, ๐˜๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜’๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ!
Isang nagkakaisang pagsuporta para sa kalusugan ng bawat pamilyang Batangueรฑo!
Lubos na sumusuporta ang Pamahalaang Bayan ng Mataasnakahoy, sa pangunguna ng ating aktibong Mayor Ellery Gardiola-Silva, katuwang si Vice Mayor Engr. Earel Gardiola, at ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, sa malawakang kampanya para sa kaligtasan ng ating mga anak laban sa nakakahawang sakit.
Kaisa ang ating lokal na pamahalaan sa layunin ng Department of Health (DOH) na protektahan ang mga nanay, tatay, lolo, lola, at lalo na ang mga batang wala pang 5 taong gulang mula sa panganib ng tigdas at rubella (o tigdas-hangin).
Bakit natin ito buong-pusong sinusuportahan?

  • Ang tigdas ay nakamamatay at mabilis kumalat.
    Ang rubella ay maaaring magdulot ng congenital defects o panghabambuhay na kapansanan sa mga sanggol sa sinapupunan.
    Bilang pagpapakita ng ating solidong suporta, ilalapit po ng ating lokal na pamahalaan ang serbisyong ito sa bawat barangay. Ngayong darating na Agosto 10โ€“28, makikiisa ang buong Mataasnakahoy sa pagsasagawa ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign kasabay ng Vitamin A Supplementation.
    PAANO TAYO MAKAKISAL AT SUMUPORTA?
  • Sino ang Babakunahan? Lahat ng batang may edad 6 hanggang 59 na buwanโ€”nabakunahan man dati o hindi pa, kailangan nila ng karagdagang lakas at proteksyon!
    Garantisadong Ligtas: Libre, ligtas, at epektibo ang mga bakunang ito na dumaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto.
    Saan Pupunta? Magkakaroon ng mga vaccination sites sa ating Municipal Health Center, pati na rin sa mga itinalagang fixed o temporary sites sa inyong mga barangay para mas mapadali ang inyong pagbisita.
    TAYO AY MAGKAISA LABAN SA MALING IMPORMASYON:
  • Ang tunay na pagsuporta sa kampanya ay nagsisimula sa pagpapakalat ng tamang impormasyon. Huwag po tayong maniniwala sa mga fake news. Magtiwala lamang sa mga payo at anunsyo mula sa Department of Health (DOH), sa ating mga lokal na opisyal, at sa ating masisipag na Mataasnakahoy health care workers na handang gumabay sa inyo.
    Huwag na nating hintayin na magkasakit pa ang ating mga anak. Ipakita natin ang ating pagmamahal at suporta sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa kanila!
    Sama-sama nating siguraduhin na ang bawat batang Mataasnakahoy ay Ligtas laban sa Tigdas!