𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟏𝟐 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎, 𝐈𝐆𝐋𝐄𝐒𝐈𝐀 𝐍𝐈 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎!

Malugod na nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy sa pagdiriwang ng Ika-112 Taong Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo. Nawa’y patuloy na maging inspirasyon ang inyong pananampalataya at dedikasyon sa pagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan, at pagmamahalan sa bawat pamayanan.

Dalangin namin ang patuloy na pagpapala, mabuting kalusugan, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Poong Maykapal sa lahat ng inyong mga gawain at adhikain.

Muli, isang taos-pusong pagbati sa buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo. Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay, pagkakaisa, at masaganang pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito.