Simula Lunes, August 17, 2026, buong-higpit nang ipapatupad ng ating Local Government Unit (LGU) ang mga kaukulang ordinansa para sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko sa ating bayan.
📌 MGA ORDINANSANG IPAPATUPAD:
- 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟭𝟳𝟬 (𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟵): Paglalagay ng Wheel Clamp sa mga sasakyang nakaparada sa hindi tamang lugar (illegal parking) at pagpataw ng kaukulang multa.
- 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟵𝟴 (𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟬𝟱): Comprehensibong panuntunan at patakaran sa daloy ng trapiko sa ating bayan.
⚠️ Iwasan ang huli, abala, at multa! Sumunod sa batas trapiko upang mapanatili nating maayos, maluwag, at ligtas ang ating mga kalsada.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!





