Bilang pagpapakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga guro, naghatid ng munting handog sina Mayor Lucia Ellery L. Gardiola-Silva, Vice Mayor Engr. Earel Gardiola, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan para sa mga guro ng DepEd Mataasnakahoy Sub-Office.
Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa kanilang taos-pusong pasasalamat sa walang sawang dedikasyon, malasakit, at serbisyo ng mga guro sa paghubog ng kaalaman, kakayahan, at kinabukasan ng mga kabataan.
Patuloy na kinikilala at sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Mataasnakahoy ang mahalagang papel ng mga guro bilang katuwang sa pagbuo ng mas maunlad na kinabukasan para sa bawat kabataan.
Maligayang Araw ng mga Guro!





