𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 & 𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐒𝐔𝐋𝐅𝐔𝐑 𝐃𝐈𝐎𝐗𝐈𝐃𝐄 & 𝐀𝐒𝐇𝐅𝐀𝐋𝐋
Mag-ingat po ang lahat! Narito ang pinagsamang gabay mula sa Pamahalaang Bayan ng Mataasnakahoy para sa ating kaligtasan laban sa Sulfur Dioxide (Asupre) at Ashfall.
MGA SINTOMAS AT EPEKTO SA KALUSUGAN
Ang Sulfur Dioxide ay polusyon sa hangin na walang kulay ngunit may matapang na amoy.
Pagkairita at pangangati ng mata, ilong, lalamunan, at baga.
Madalas na pag-ubo, hirap sa paghinga, at pananakit ng dibdib
MGA DAPAT GAWIN AT PAUNANG LUNAS
Proteksyon sa Hininga at Katawan:
Magsuot ng angkop na face mask (mas mainam ang N95, N96, N98, o Surgical Mask) lalo na kapag nasa labas.
Manatili sa loob ng bahay at siguraduhing nakasara ang mga pinto at bintana.
Iwasan ang mga mabibigat na gawain o outdoor activities.
Panatilihin ANG KALINISAN at KALIGTASAN:
Protektahan ang mga mata gamit ang goggles o salamin, at iwasang kuskusin ito.
Siguraduhing nakatakip at malinis ang lahat ng pagkain at inuming tubig.
Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang iritasyon.
Mabilis na Aksyon sa Exposure:
Mata: Banlawan agad ng malinis na tubig upang matanggal ang kemikal.
Balat at Damit: Hugasan ng malinis at maligamgam na tubig ang balat at magpalit agad ng kontaminadong damit.
Nakalanghap: Lumayo sa lugar na may sulfur dioxide, pumunta sa may sariwang hangin, at obserbahan ang paghinga.
Pagamutan:Kumonsulta agad sa doktor o sa pinakamalapit na pagamutan kung nakararanas ng matinding hirap sa paghinga, patuloy na pag-ubo, o severe eye irritation.
Subaybayan ang mga opisyal na babala mula sa PHIVOLCS, DOH, at sa ating Lokal na Pamahalaan.





