October 2, 2026

Isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy ang isang Tree Cutting Activity noong Oktubre 2, 2026. Ang aktibidad na ito ay layuning putulin at gupitin ang mga nakabitin at delikadong sanga o puno na maaaring magdulot ng aksidente sa mga daanan at makasira sa mga linya ng kuryente.

Malaking pasasalamat sa ating mga nakatutok na kawani, field workers, at mga nakiisang tanggapan na patuloy na nagtatrabaho upang masiguro ang seguridad ng ating mga pampublikong kalsada.

Maraming salamat po sa ating mga kababayan sa inyong patuloy na pag-unawa at suporta habang isinasagawa ang mga proyektong tulad nito para sa kaligtasan ng lahat!