𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒𝐍𝐀𝐊𝐀𝐇𝐎𝐘
Ngayong araw, ang Pamahalaang Bayan ay nakikiisa sa buong mundo sa pagdiriwang at pagpupugay sa lahat ng ating mga ina ang mga tunay na ilaw ng ating tahanan at pundasyon ng ating komunidad.
“Sa bawat sakripisyo at pag-aaruga, kaisa niyo kami sa pagdiriwang.”
Higit pa sa pagiging katuwang sa pamilya, kayo ang nagsisilbing inspirasyon at gabay para sa isang mas matatag at mas maunlad na bukas. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, pagtitiyaga, at malasakit.
Ang pasasalamat na ito ay malugod na ipinaaabot nina Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva, Vice Mayor Engr. Earel Gardiola, ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ang buong kawani ng LGU Mataasnakahoy.
Muli, isang mapagpala at maligayang Mother’s Day sa lahat ng mga Nanay, Mama, Mommy, Inay, at lahat ng tumatayo bilang ina sa ating bayan!





