𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐔𝐌𝐀𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍!

Patuloy na naghahatid ang Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy ng serbisyo at suporta sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng Rice Distribution for Every Household mula sa Local Government Support Fund (LGSF).

Matagumpay na naipamahagi ang bigas sa mga residente ng Brgy. San Sebastian, Loob, Santol, at Bontog, bilang bahagi ng layuning matiyak na bawat pamilya ay may sapat na suplay ng bigas at patuloy na maramdaman ang malasakit ng pamahalaan.

Sa pangunguna ni Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva, kasama ang mga katuwang na ahensya, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay ng konkretong serbisyo at nagtataguyod ng mas maayos na pamumuhay para sa bawat mamamayan.

Serbisyong Umaabot sa Bawat Tahanan, Pagkalingang Nararamdaman ng Bawat Pamilya.