𝐏𝐮𝐧𝐝𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧: 𝐂𝐡𝐢𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐄𝐂𝐂𝐃 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠!

May 25, 2026

Patuloy ang pag-unlad ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng pagmamahal at pag-asa!

Ginanap ngayong araw, May 25, 2026, ang Training of Child Development Workers on Early Childhood Care and Development dito sa ating Pamahalaang Bayan ng Mataasnakahoy.

Layunin ng pagsasanay na ito na mas mapalawak pa ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga dedicated Child Development Workers sa paggabay at pag-aalaga sa mga pinakabata nating kababayan sa kanilang formative years. Sila ang ating katuwang sa pagbuo ng matibay na pundasyon para sa susunod na henerasyon!

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras upang mas mapaganda pa ang serbisyo para sa ating mga day care centers. Mabuhay po kayo!