𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ π‹π€π‹πŽππ† 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 π€π“πˆππ† πŠπ€π‹πˆπŠπ€π’π€π 𝐀𝐓 π“π”π‘πˆπ’πŒπŽ!

Atensyon sa lahat ng ating mga bisita at turista rito sa Mataasnakahoy! πŸ“’

Bilang bahagi ng ating layunin na mapangalagaan at mapagyaman ang ating likas na yaman, ipinapaalam po ng Lokal na Pamahalaan ng Mataasnakahoy ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 789-S-2026. Sa ilalim ng ordinansang ito, magkakaroon po tayo ng Tourism Ecological Fee (TEF) para sa bawat turistang bibisita sa ating bayan.

Narito ang mga detalye:

Ecological Fee: β‚±40.00 para sa bawat turista.

20% Discount: Para sa mga Senior Citizens, PWD, at mga Estudyante.

Libre: Para sa mga batang may edad na 7 taong gulang pababa.

Ang lahat ng mga residente ng Mataasnakahoy ay EXEMPTED o libre na sa pagbabayad ng Ecological Fee. Ipakita lamang ang inyong valid ID para sa validation upang mapatunayan na kayo ay residente ng ating bayan.

Sama-sama nating isabuhay ang temang: β€œKalikasan Pagyamanin, Turismo’y Paunlarin.”

Ang inyong kooperasyon ay malaking tulong upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng ating mahal na Mataasnakahoy. Maraming salamat po!