𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎!💙🧡🏆

Matagumpay na ipinagdiwang noong Oktubre 30, 2026 ang𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀’ 𝗗𝗮𝘆 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗰𝘂𝗺 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗞𝗮𝗵𝗼𝘆𝗲ñ𝗼𝘀 ng Bayan ng Mataasnakahoy, bilang pagkilala at pagpupugay sa mga natatanging guro at non-teaching personnels na patuloy na nagpapakita ng husay, dedikasyon, at inspirasyon sa larangan ng edukasyon.

Isinagawa ito sa pangunguna ng DepEd Mataasnakahoy Sub-Office at dinaluhan nina Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva, Vice Mayor Engr. Earel Gardiola, Councilor Lileth Acerimo, at iba pang mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang makiisa sa pagbibigay-pugay at pagkilala sa mga natatanging guro sa gabing iyon.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programa at inisyatibong naglalayong mapaunlad ang sektor ng edukasyon, kilalanin ang mga kontribusyon ng ating mga guro, at bigyang-halaga ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga guro sa inyong walang sawang paglilingkod, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo.

Mabuhay ang ating mga guro! Kayo ang inspirasyon sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan!