𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐩𝐞𝐧𝐝𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐃𝐚𝐲
June 12, 2026
Ngayong ika-12 ng Hunyo, 2026, tayo ay sama-samang nagdiriwang ng ika-128 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng ating bansa.
Sa ilalim ng temang, “Kalayaan ng Bayan: Yaman ng Nakaraan, Hamon sa Kinabukasan,” binibigyang-pugay natin ang kabayanihan ng ating mga ninuno na nagbuklod sa atin upang makamit ang kasarinlang ating tinatamasa ngayon. Ito ay isang paalala na ang ating kasaysayan ay ang pundasyon ng ating pagkakakilanlan, at ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Dito sa ating minamahal na Munisipalidad ng Mataasnakahoy, isinasabuhay natin ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng patuloy na paglilingkod, pagkakaisa, at pag-asa para sa mas masagana nating kinabukasan. Ipinapakita ng ating pagdiriwang ang tibay ng ating pagmamahalan bilang isang komunidad sa ilalim ng adhikain ng Hope & Love Mataasnakahoy.





