𝐈𝐧 𝐡𝐨𝐧𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐮𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫, 𝐇𝐨𝐧. 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐌𝐚𝐧𝐝𝐢𝐠𝐦𝐚
June 1, 2026
Ginanap ngayong araw, June 1, 2026, ang opisyal na pagbibigay-pugay at pagkilala sa busto ng ating naging ama ng bayan, ang kauna-unahang Mayor ng Mataasnakahoy, Hon. Antonio Mandigma.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating Lokal na Pamahalaan ng Mataasnakahoy, sa pamumuno ng ating mga kasalukuyang opisyal, katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan at ang kanyang pamilya. Ang pag-aalay ng bustong ito ay simbolo ng ating walang-hanggang pasasalamat sa kanyang mga naging programa, proyekto, at tapat na pamumuno na nag-iwan ng malalim na marka sa kasaysayan ng ating komunidad.
Patuloy nating isasabuhay ang kanyang sigasig sa paglilingkod para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan!





