𝐌𝐀𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐒𝐌𝐄!
Isang mahalagang hakbang ang isinagawa sa pamamagitan ng MOA at MOU Signing sa pagitan ng De La Salle Lipa at ng Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy para sa programang MSME’s Mentorship and Sustainable Growth.
Layunin ng nasabing pakikipagkasundo na palakasin ang kakayahan ng ating mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng mentorship, kaalaman, at mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa napapanatiling pag-unlad ng kanilang mga negosyo.
Patuloy ang Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy sa pagtataguyod ng mga makabuluhang pakikipagtulungan upang makapaghatid ng mas maayos na serbisyo at mas maraming pagkakataon para sa pag-unlad ng ating mga mamamayan.





