𝐍𝐀𝐈𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐈𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐋𝐈𝐏𝐀!
Ipinaabot ng ating lokal na pamahalaan ang mahahalagang serbisyo para sa ating mga kababayan sa Brgy. Lumanglipa nitong nakaraang Hulyo 14, 2026!
Sa pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal, naipagkaloob ang libre at mabilis na proseso para sa National ID Registration at Birth Registration Assistance Project. Laking pasasalamat natin sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng gawaing ito upang masigurong ang bawat mamamayan ay may maayos at opisyal na pagkakakilanlan.
Maraming salamat sa ating mga kawani, local officials, at sa lahat ng mga residente ng Brgy. Lumanglipa sa inyong buong-pusong suporta at pakikiisa!





