Patuloy ang pagbabantay at pagmomonitor ng Pamahalaang Lokal ng Mataasnakahoy sa pamamagitan ng Oplan Ligtas Undas 2026 ngayong Nobyembre 1 at 2, upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan sa pagdagsa ng mga mamamayan at mga dumadalaw sa ating mga sementeryo.

Sa pangunguna ni Mayor Lucia Ellery Gardiola-Silva, kasama sina Vice Mayor Engr. Earel Gardiola at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Rural Health Unit (RHU), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), at ang APO Mataasnakahoy Chapter, patuloy na isinasagawa ang pagbabantay at pagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa lahat ng kawani, volunteers, at katuwang na organisasyon na naglalaan ng oras at pagsisikap para sa isang ligtas at maayos na paggunita sa Undas.