Project Linis – Visitation and Turnover Ceremony with Girl Scout of the Philippines

𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗!🌍💚

Matagumpay na idinaos kahapon, Mayo 21, 2026, ang 𝙋𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩 𝙇𝙞𝙣𝙞𝙨: 𝙑𝙞𝙨𝙞𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙪𝙧𝙣𝙤𝙫𝙚𝙧 kay Kapt. Cesar Recio at Barangay Officials ng Brgy. Kinalaglagan dito sa Bayan ng Mataasnakahoy katuwang ang Girl Scouts of the Philippines.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ni 𝗧𝗿𝗶𝘀𝗵𝗮 𝗠𝗮𝗲 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗩𝗲𝗴𝗮 bilang bahagi ng kanyang 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗚𝗶𝗿𝗹 𝗦𝗰𝗼𝘂𝘁 𝗠𝗲𝗱𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗺𝗲 (𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟱 – 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲). Layunin nitong isulong ang tamang pagbubukod ng basura (waste segregation) para sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang barangay. ♻️🌱

Buong suporta ring nakiisa sa mahalagang gawaing ito ang ating Acting Mayor Engr. Earel Gardiola, Acting Vice Mayor Ferdinand “Puto” Dimaano, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang tiyakin ang tagumpay ng adbokasiyang ito para sa kalikasan. 🤝🏛️

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programang naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran!