Magandang araw, mga Kahoyeños!

Maghanda na para sa simula ng Paskong puno ng saya dahil gaganapin na ang Pumarine Ka Na! Night Market & Grand Christmas Lighting sa darating na Nobyembre 12, 2026!

Ikaw ba ay isang vendor, food entrepreneur, o lokal na negosyante na naghanap ng perpektong pwesto para ibenta ang iyong mga produkto? Opisyal na bukas ang rehistrasyon para sa mga vendor! Kahit taga-saan ka man ay malugod kang tinatanggap na sumali!

📋 MAHALAGANG IMPORMASYON:

– Simula ng Reserbasyon: Nobyembre 3, 2026

– Saan Magpaparehistro: BPLO Office, Mataasnakahoy

– Tandaan: First-Come, First-Served! Limitado lamang ang mga pwesto at mayroon itong minimal na bayad para sa reserbasyon.

🛍️ Mga Produktong Maaaring Ibenyta:

– Food & Delicacies: Street food, kakanin, ihaw-ihaw, pastry, mga inumin, at iba pa. – Holiday Novelties & Gifts: Mga laruan, souvenir, at mga panregalong Pasko.

– Dry Goods & Craft: Damit, accessories, handmade items, at sapatos.

I-secure na ang iyong pwesto ngayon at gawin nating mas masaya at makulay ang kapaskuhan!