July 27, 2026
Isang panibagong makasaysayang yugto at malaking hakbang para sa kaunlaran ng ating bayan! Pormal nang isinagawa noong Hulyo 27, 2026 ang opisyal na paglagda sa Sisterhood Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa at ng Bayan ng Mataasnakahoy.
Ang makabuluhang kaganapang ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ni Hon. Eric B. Africa para sa Lungsod ng Lipa, at sa pangunguna naman ng ating butihing Mayor Hon. Lucia Ellery Gardiola-Silva para sa Bayan ng Mataasnakahoy, kasama ang suporta ng ating mga opisyal at kinatawan mula sa dalawang lokal na pamahalaan.
Ang pagpapatibay ng ating Sisterhood Agreement ay naglalayong magbukas ng mas malawak na pinto ng oportunidad at pagtutulungan sa iba’t ibang mahahalagang sektor, tulad ng:
-Ekonomiya at Kalakalan: Pagpapalakas ng lokal na negosyo at turismo sa magkabilang bayan.
– Edukasyon at Kultura: Pagpapalitan ng mga kaalaman, kultura, at magagandang adhikain para sa kabataan.
– Serbisyo Publiko at Kapakanan: Pagtutulungan sa mga programa sa kalusugan, kaligtasan, at tugon sa emergency.
– Good Governance: Pagbabahagi ng mga best practices sa pamamahala upang mas mapabilis at mapaganda ang serbisyo para sa mamamayan.
Ang tagumpay na ito ay patunay lamang na kapag ang mga pamayanan ay nagkakaisa at nagtutulungan, mas mabilis nating makakamtan ang patuloy na pag-unlad at mas magandang kinabukasan.
Taus-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi, tumulong, at sumaksi sa makasaysayang pirmahang ito! Patuloy tayong maglilingkod at magkakaisa para sa bawat Lipeño at Kahoyeño. ![]()
![]()
Mabuhay ang Lungsod ng Lipa!
Mabuhay ang Bayan ng Mataasnakahoy!





